SUPERLOLO JAM Official Site
Original Filipino Music

About SUPERLOLO JAM
Kami ang limang nagtulay ng mga dagat at naglakbay patawid sa mga dekada upang kumatha ng tunog ng aming henerasyon.
Kami ang Superlolo Jam…ang tunog ng makukulay na jeepney sa mga kalye ng Maynila... ng hampas at hagod ng alon sa mga dalampasigan ng Palawan... ng buhos ng ulan at hagupit ng bagyo sa mga bundok ng Batanes.
Ang mga awit namin ay palaisipan, pagbubunyi, pangungumpisal, pagpupugay ... taglay ang mga pananaw mula sa mga mata at diwang namulat sa kakaibang panahon ng ating bansa. Ito ang aming mga karanasan at paniniwala, pinahihiwatig sa musika at salitang sariling atin.
Ito ang aming munting alay sa lahat ng mga taong naging bahagi ng aming mga buhay at sa lahat ng kapatid nating nagdurusa, naghihirap, nasasaktan. Sana ay maibsan ang bigat ng ating dala sa kaalamang hindi tayo nagiisa.
Magpakumbaba, umunawa, magmahal, maglingkod at magbigay. Lahat tayo ay magkakapatid.
Mabuhay ang OPM! Mabuhay ang Pilipino.